Sens. Joel Villanueva, Robin Padilla nagkaayos na

Senate PRIB photo

Sa kanilang pagkakamay, naplantsa na nina Senate Majority Leader Joel Villanueva at Senator Robin Padilla ang naging isyu sa kanilang dalawa.

Ito ang kinumpirma ni Padilla sa pagsasabing nagkaayos at bahagi na ng nakaraan ang isyu.

Pagdidiin ng baguhang senador, hindi personal ang hindi niya pagboto kay Villanueva bilang majority leader ng Senado sa pagbubukas ng 19th Congress noong nakaraang Lunes.

“Definitely hindi personal ‘yan. Hindi tayo namemersonal,” giit ni Padilla, na sinabi ring naintindihan niya ang mga paliwanag ni Villanueva.

Sa naunang panayam, sinabi ni Villanueva na iginagalang niya ang hindi pagboto sa kanya ng baguhang senador at handa siyang gumawa ng unang hakbang para sila ay magkalinawan sa isyu.

Araw ng Martes, Hulyo 26, nagkamay ang dalawang senador habang nasa sesyon ang Senado.

Read more...