Pasok sa ilang korte, suspendido

Kuha ni Jan Escosio/Radyo Inquirer On-Line

Sinuspinde ng Supreme Court (SC) ang pasok sa ilang korte kasunod ng tumamang magnitude 7 na lindol sa Tayum, Abra na naramdaman sa iba’t ibang panig ng Luzon, kabilang ang Metro Manila.

Sa Twitter, inanunsiyo ng SC Public Information Office na suspendido ang pasok ng trabaho sa mga branch at opisina ng Regional Trial Court ng Malabon City simula 12:00, Miyerkules ng tanghali (Hulyo 28).

Simula naman 1:00 ng hapon nang suspindehin ang pasok sa buong Hall of Justice ng Urdaneta City, Pangasinan habang 2:00 ng hapon epektibo ang suspensyon ng pasok sa RTC at MTC ng Lingayen, Pangasinan.

Nauna namang sinuspinde ang pasok sa San Fernando, La Union, Municipal Trial Court in Cities Branches 1 at 2, at Office of the Clerk of Court simula 10:30 ng umaga.

Sinabi ng SC na maaring makipag-ugnayan sa mga nabanggit na tanggapan sa pamamagitan ng kanilang opisyal na numero at email address.

Read more...