Pangulong Marcos, planong bumisita sa Abra sa Huwebes

Photo credit: Pres. Bongbong Marcos/Facebook

Plano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na bumisita sa Abra province sa araw ng Huwebes, Hulyo 28.

Kasunod ito ng tumamang magnitude 7.0 na lindol sa Tayum, Abra na naramdaman sa iba’t ibang panig ng Luzon, kabilang ang Metro Manila.

Sa press briefing, ipinaliwanag ng Pangulo kung bakit hindi siya agad nagpunta sa mga apektadong probinsya.

“I am staying away from going to the affected areas for a very simple reason. It has been my experience as governor, it has been my experience in Yolanda that when the national officers come to the affected areas immediately, ginugulo lang namin ‘yung trabaho ng mga local [officials],” saad nito.

Dagdag ng Punong Ehekutibo, “Halimbawa, pupunta ako doon maghahanap pa ako ng pulis para pag-secure; kailangan akong i-meeting ng local officials, eh marami silang ginagawa. So I said, let them do their work. Let us wait for them to tell us what is going to be, what the true situation is and maybe I can schedule a trip perhaps tomorrow as soon as possible.”

Matatandaang tumama ang magnitude 7 na lindol sa 3 kilometers Northwest ng bayan ng Tayum, Abra bandang 8:43 ng umaga.

Read more...