Mga telco, inatasang maghatid ng libreng tawag, charging services sa mga apektadong lugar ng M7.0 quake

Ipinag-utos ng National Telecommunications Commission (NTC) sa mga telecommunications company na maghatid ng Libreng Tawag at Libreng Charging Stations sa mga lugar na naapektuhan ng tumamang malakas na lindol sa Luzon.

Sa inilabas na memorandum, sinabi ni Commissioner Gamaliel Cordoba na inatasan si Director Mildado Lee ng NTC Cordillera Administrative Region upang tutukan ang implementasyon ng naturang direktiba.

Epektibo ang naturang memorandum hanggang Agosto 5, 2022.

Ipinaalala rin nito ang pagsunod sa health protocols upang maiwasan ang hawaan sa COVID-19.

Matatandaang tumama ang magnitude 7 na lindol sa 3 kilometers Northwest ng bayan ng Tayum, Abra bandang 8:43 ng umaga.

Read more...