Magnitude 5.4 na lindol yumanig sa Bucay, Abra

Phivolcs photo

Muling nakaramdam ng malakas na pagyanig ang probinsya ng Abra.

Sa earthquake information no. 1 ng Phivolcs, tumama ang magnitude 5.4 na lindol sa bayan ng Bucay bandang 3:38 ng hapon.

10 kilometro ang lalim nito at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naitala ang mga sumusunod na instrumental intensities:
Intensity IV – Vigan City, Ilocos Sur
Intensity II – Sinait, Ilocos Sur; Laoag City, Ilocos Norte
Intensity I – Baguio City, Benguet; Pasuquin, Ilocos Norte; Gonzaga at Penablanca, Cagayan

Sinabi naman ng Phivolcs na walang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang naturang lindol.

Read more...