Walang banta ng tsunami matapos ang M7.0 na lindol sa Abra

Phivolcs photo

Tiniyak ng Phivolcs na walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos tumama ang magnitude 7.0 na lindol sa Tayum, Abra Miyerkules ng umaga.

Sinabi ng ahensya na yumanig ang malakas na lindol sa nasabing lugar dakong 8:43 ng umaga.

May lalim ang lindol na 17 kilometers.

“However, earthquakes of this size may generate unusual sea level disturbances that may be observed along coasts near earthquake epicenter of Abra province,” saad ng Phivolcs.

Read more...