Pangulong Marcos ligtas matapos ang lindol

Ligtas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang kanyang pamilya matapos ang 7.0 magnitude na lindol na tumama sa Abra.

Ayon kay Press Seretary Trixie Angeles, nakatutok ang Pangulo sa disaster relief and response ng pamahalaan para maayudahan ang mga nabiktima ng lindol.

Ayon kay Angeles, dahil sa lindol, maaring kanselahin na ng Pangulo ang kanyang mga naka-iskedyul na aktibidad ngayong araw.

“Right now nakatutuok siya dito sa ating disaster relief and response. Ngayon pa lang po dumadating iyong feedback natin about the extent of damage in certain areas, so the President will put this as his priority, and most likely might cancel certain appointments,” pahayag ni Angeles.

Sinabi pa ni Angeles na nakahanda naman ang Pangulo na maglabas ng dagdag na pondo kung kinakailangan para sa mga biktima ng lindol.

 

Read more...