Nakapagtala ng mahigit 2,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa datos ng Department of Health (DOH) hanggang sa araw ng Martes, Hulyo 26, may bagong napaulat na 2,360 kaso ng nakahahawang sakit.
Bunsod nito, umabot na sa 3,757,762 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.
Sa nasabing bilang, 27,643 ang aktibo pang kaso o patuloy na nagpapagaling sa naturang sakit.
Nasa 3,669,425 o 97.6 porsyento naman ang naka-recover na sa COVID-19.
Samantala, lumabas sa datos ng kagawaran na 60,694 o 1.6 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Kasunod nito, hinihinikayat pa rin ang publiko na makiisa sa vaccination at booster rollout ng bansa.
Sinabi rin ng DOH na malaking tulong ang pagsunod sa health protocols upang maiwasan na magkaroon pa ng hawaan.