LOOK: Juan Ponce Enrile, nanumpa na bilang Chief Presidential Legal Counsel

Photo credit: Pres. Bongbong Marcos/Facebook

Pormal nang naitalaga si dating Senate President Juan Ponce Enrile bilang Chief Presidential Legal Counsel.

Kinumpirma ng Office of the Press Secretary na nanumpa si Enrile kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa araw ng Martes, Hulyo 26.

Sa Facebook post, sinabi ng Pangulo na buo ang kaniyang tiwala sa kakayahan at karanasan ni Enrile.

“Buo ang tiwala ko sa kakayahan at karanasan ni Enrile bilang lingkod-bayan kaya naman umaasa ako na lalong mapabubuti ang pagbibigay ng legal assistance patungkol sa mga magiging aksyon ng ating administrasyon,” ani Marcos.

Read more...