Arroyo humiling ng medical, wellness leave

INQUIRER FILE PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE

Humiling si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na payagan siyang sumailalim sa medical and wellness leave.

Base sa inilabas na pahayag, sakop nito ang pitong session days.

“She will travel to France and Singapore,” paliwanag nito.

Gayunman, dadalo pa rin ang mambabatas sa mga sesyon ng Kongreso sa pamamagitan ng Zoom habang nasa labas siya ng bansa.

“She has been certified by her personal physician as no longer infectious, but she could not attend the SONA because the President’s presence required a negative PCR test for all attending the SONA, whereas she tested positive on PCR two days before the SONA,” dagdag nito.

Matatandaang hindi nakadalo si Arroyo sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. makaraang magpositibo sa COVID-19.

Read more...