Tumaas ang healthcare utilization rate (HCUR) sa COVID-19 ng National Capital Region (NCR) sa nakalipas na linggo.
Base sa tala ni independent monitoring group OCTA Research fellow Dr. Guido David, mula sa 30.7 porsyentong HCUR noong Hulyo 17, nasa 31.7 porsyento na ito noong Hulyo 24.
Nananatili namang mataas sa 50 porsyento ang HCUR sa Bohol at Iloilo; Bohol (57.7 porsyento), Iloilo (52.4 porsyento).
Maliban sa NCR, tumaas din ang HCUR sa Batangas (38.8 porsyento), Lucena (47.9 porsyento), at Rizal (43 porsyento).
Bumaba naman ang HCUR sa Cavite (33 porsyento), Iloilo City (42.9 porsyento), Laguna (30.8 porsyento), at Olongapo (27.1 porsyento).
Samantala, tumaas din ang ICU occupancy sa NCR at ilang lugar.
Mula sa dating 24 porsyento, nasa 27.3 porsyento na ang ICU occupancy sa Metro Manila, 36.4 porsyento sa Batangas, 33.3 porsyento sa Iloilo, 40.3 porsyento sa Iloilo City, habang 60 porsyento naman sa Lucena.
Bumaba naman ang ICU occupancy sa Bohol (30.8 porsyento), Cavite (28.6 porsyento), at Laguna (8.2 porsyento).
Patuloy ang paalala sa publiko na sundin ang health protocols upang hindi mahawa ng COVID-19.