Naging payapa at maayos ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. noong Hulyo 25, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sinabi ng pambansang pulisya na hanggang 6:00, Lunes ng gabi, walang naitalang ‘untoward incident.’
Sinabi pa ng PNP na naging maayos ang pagsasagawa ng SONA dahil sa kooperasyon at koordinasyon ng lahat ng ahensyang sangkot sa pagplano at pagpapatupad ng seguridad para sa SONA.
Nagpasalamat naman ang pulisya sa publiko, kabilang ang iba’t ibang grupong nagkasa ng protesta, sa kooperasyon at pagtalima sa itinakdang security guidelines.
Siniguro ng PNP na patuloy din silang tatalima sa tungkulin na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
MOST READ
LATEST STORIES