Ibinahagi ni Hontiveros na kabilang sa laman ng resolusyon ang mga naging karanasan sa kulungan ni de Lima, gayundin ang pagbaligtad ng ilang testigo sa ginawa nilang maling pagdiin sa dating senadora.
Bahagi rin ng resolusyon ang kahilingan nila ni Pimentel sa Department of Justice (DOJ) na bawiin na ang mga kasong isinampa laban kay de Lima para sa kanyang agarang paglaya.
Umaasa siyang magiging positibo ang pahayag ng DOJ na hindi sila magiging hadlang sa pagpapalaya kay de Lima.
Nabanggit din ni Hontiveros na isang miyembro ng mayorya sa Senado ang nagpahayag na ng kagustuhan na maging co-author ng resolusyon.
Hindi na ito kinilala pa ni Hontiveros.