Pilipinas, nakapagtala ng higit 19,000 na bagong COVID-19 cases sa nagdaang linggo

Nakapagtala ng 19,536 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.

Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang Hulyo 25, 2022, base ito sa naitalang datos simula Hulyo 18 hanggang 24, 2022.

Mas mataas ito ng 33 porsyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong Hulyo 11 hanggang 17.

Nasa 2,791 naman ang daily average cases.

Samantala, may 56 na bagong severe and critical cases habang 42 naman ang pumanaw sa nakalipas na linggo.

Lumabas din sa datos na nasa 26 porsyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 5,804 sa 22,331 non-ICU beds ang gamit.

21.7 porsyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 578 sa 2,664 ICU beds ang gamit.

Nasa 666 naman ang severe and critical admissions, o 8.7 porsyento ng kabuuang COVID-19 admissions.

Read more...