Marcos ipinangako ang road improvement, pag-decongest ng paliparan para madaling mapuntahan ang tourist spots

Screengrab from RTVM FB live stream

Ipinangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na magkakasa ng mga programa upang mapalakas ang turismo sa bansa kasunod ng matinding epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa kaniyang unang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa, inihayag ng Pangulo ang kahalagahan ng sektor ng turismo bilang isang ‘economic development tool’ dahil sa maibibigay nitong regular employment hanggang grassroot level.

“To boost our tourism industry, we will first and foremost make basic developments such as road improvement for easier access to tourism spots,” saad ng Punong Ehekutibo.

Pagiibayuhin din aniya ang mga paliparan at magtatayo ng dagdag na international airport upang ma-decongest ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ani Marcos, “We will also upgrade our airports and create more international airports to help decongest the bottleneck in the Manila Airport.”

Dagdag nito, “We will also make it more convenient for travelers to go around the country, even to remote areas, to help promote undiscovered tourist spots.”

Pangungunahan aniya ito ng Department of Tourism (DOT) sa pamumuno ni Secretary Christina Garcia Frasco, katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

Read more...