Pangulong Marcos, dumating na sa Batasang Pambansa para sa unang SONA

Screengrab from RTVM FB live stream

Dumating na sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ito ay para magbigay ng kanyang unang State of the Nation Address (SONA).

Bandang 3:32, Lunes ng hapon (Hulyo 25), nang dumating ang Pangulo sa Batasang Pambansa.

Sina Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri at Speaker Martin Romualdez ang sumalubong sa Pangulo.

Dumating na rin sa Batasang Pambansa Complex ang maybahay ng Pangulo na si First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos at mga anak na sina Ilocos Norte First District Rep. Sandro Marcos, Simon at Vincent.

Maging ang kapatid ng Pangulo na sina Senador Imee Marcos at Irene Araneta ay nasa Batasang Pambansa Complex na rin.

Read more...