NGCP, handa na para sa SONA ni Pangulong Marcos

Nagkasa ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCPP) ng special operations sa kanilang Overall Command Center para sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa araw ng Lunes, Hulyo 25.

Sa inilabas na abiso, sinabi ng grid operator na nasa ilalim ng normal na operasyon ang kanilang power transmission operations at facilities.

Nakahanda rin ng sariling contingency plan ang NGCP upang matutukan at agad matugunan sakaling magkaroon ng
grid disturbance.

Fully staffed at operational ang kanilang critical units, particularly System Operations (SO) at Operations and Maintenance (O&M).

Nakatalaga rin sa NGCP substations ang line crews, engineers, pilots, maintenance and testing, at iba pang technical para rumesponde sa line trippings.

Magiging operational ang Overall Command Center simula 7:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi para sa nasabing petsa.

Inaasahang maglalabas din ang grid operator ng substation at transmission line status updates sa publiko kada apat na oras.

“Our Integrated Disaster Action Plan (IDAP) prescribes relevant measures to ensure the readiness of all power transmission facilities to be affected by emergencies during important national events. NGCP assures the public of reliable power transmission services during this significant event,” saad nito.

Read more...