Iniulat ng OCTA Research na patuloy ang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
“The peak in new COVID-19 cases in the NCR has not been reached as cases continue to increase,” pahayag ni OCTA Research fellow Dr. Guido David.
Mula Hulyo 18 hanggang 24, nakapagtala aniya ang Metro Manila ng 1,033 na average new cases kada araw para sa average daily attack rate (ADAR) na 7.17 kada 100,000.
Mas mataas ito ng 25 porsyento kumpara sa seven-day average na 829 mula Hulyo 11 hanggang 17.
“The one-week growth rate in the NCR has remained relatively flat over three weeks. This means that while cases continue to rise, the rate increase is moderate,” ani David.
Nanatili naman sa 1.38 ang reproduction number ng NCR, habang tumaas sa 14.1 porsyento ang seven-day positivity rate.
Sinabi pa nito na maituturing pa ring mababa ang healthcare utilization rate (HCUR) sa Metro Manila na 33.1 porsyento hanggang Hulyo 23.
Sa kabuuan, sinabi ni David na nasa ‘moderate risk’ ang NCR sa COVID-19.
“With a flat growth rate, it is not clear at this time when the peak in cases in the NCR will occur,” saad nito.