Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), positibo rin sa red tide ang Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Ipinagbabawal ng BFAR ang pagkain ng mga shellfish na nakokolekta sa mga nabanggit na lugar.
Maari namang kainin ang isda, pusit, hipon at alimango basta siguraduhin lamang na maayos ang pagkakaluto at linising mabuti, tanggalin ang hasang at kaliskis.
Samantala, negatibo na sa red tide ang baybaying dagat ng Milagros sa Masbate at Litalit Bay sa Surigao del Norte.
MOST READ
LATEST STORIES