DOH, tiniyak na ‘monkeypox-ready’ ang Pilipinas

Reuters photo

Pinaghandaan na ng Department of Health (DOH) ang monkeypox simula nang dumami ang mga kaso sa ibang bansa.

Ito ang pagtitiyak ng kagawaran matapos ianunsiyo ni World Health Organization (WHO) Director General Tedros Ghebreyesus na ‘public health emergency of international concern’ (PHEIC) ang naturang sakit.

Nagpalabas na rin ang WHO ng pamantayan sa gagawing pagtugon ng mga gobyerno.

Binuo na ng DOH ang Philippine Inter-Agency Committee on Zoonosis noon pang Mayo 27 at kasama sa mga miyembro ang Department of Agriculture (DA), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at ang mga ahensiya na nasa ilalim ng kanilang pangangasiwa.

Bukod dito, nakapagsagawa na ang DOH ng information campaign laban sa naturang sakit, katuwang ang healthcare workers.

Gayundin, nakapaghanda na ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para sa mabilis na pag-detect sa monkeypox.

“Hanggang sa ngayon, wala pa rin pong nakitaan sa Pilipinas na pasok sa depenisyon ng isang suspect monkeypox case. Ang itsura ay karaniwang naipapaliwanag ng ibang mga sakit na kahawig ng monkeypox, ngunit hindi nito kapareho,” paliwanag ni Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire, Officer-in-Charge ng DOH.

Read more...