WATCH: Mga raliyista, maagang nagtipon para sa SONA ni Pangulong Marcos

Kuha ni Jun Corona/Radyo Inquirer On-Line

Maagang nagtipon ang iba’t ibang grupo ng mga raliyista sa ilang lugar sa Quezon City para sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa bahagi ng PHILCOA, dala ng mga raliyista ang mga banner at placard kung saan makikita ang kanilang mga panawagan para sa adminitrastyong Marcos.

Kabilang dito ang pagtataas ng sweldo, pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin, pagbuwag sa NTF-ELCAC, at iba pa.

Sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic, nakiisa rin ang mga pribado at government health worker sa ikinasang protesta.

Iniisa-isa ni Health Alliance for Democracy Secretary General Albert Pascual ang kanilang mga panawagan kay Pangulong Marcos para maiangat ang healthcare system sa bansa:

Mayroon ding mga grupo na nagparating ng hinaing ukol sa umano’y human rights violation na naganap sa panahon ng Martial Law sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., ama ni Pangulong Bongbong Marcos.

Nakatakdang ihatid ni Pangulong Bongbong Marcos ang kaniyang unang SONA sa Batasang Pambansa sa Lunes ng hapon.

Read more...