Pangulong Marcos, nakatakdang maghatid ng kaniyang unang SONA

Screengrab from PCOO’s FB live stream

Nakatakdang maghatid si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ng kaniyang unang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes ng hapon, Hulyo 25.

Ihahatid ni Marcos ang kaniyang unang SONA sa Batasang Pambansa sa Quezon City, 25 araw simula nang manungkulan bilang ika-17 presidente ng Pilipinas.

Inaasahang ihahayag ng Pangulo ang kaniyang mga plano sa bansa para sa susunod na 12 buwan.

Noong Biyernes, Hulyo 22, inihayag ni Executive Secretary Vic Rodriguez na sesentro ang SONA ng Pangulo ukol sa mga plano para sa ekonomiya, COVID-19 response, at digitalization.

Inaasahang mahigit 1,000 personalidad ang personal na dadalo sa unang SONA ni Marcos Jr.

Nagpahayag naman si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na hindi makakadalo sa SONA matapos magpositibo sa COVID-19.

Read more...