Dolores, Eastern Samar niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

Tumama ang magnitude 4.6 na lindol sa Eastern Samar, Lunes ng umaga.

Sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 63 kilometers Southeast ng Dolores dakong 5:45 ng umaga.

May lalim ang lindol na pitong kilometro at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naitala ang intensity 2 sa naturang bayan.

Wala namang napaulat na pinsala sa bayan ng Dolores at mga karatig-lugar.

Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...