Dating alkalde ng Lamitan, 2 iba pa patay sa pamamaril sa Ateneo

Patay ang dating alkalde ng Lamitan at dalawang iba pa sa insidente ng pamamaril sa Ateneo de Manila University (ADMU) sa Quezon City, Linggo ng hapon.

Tinukoy ng Quezon City government ang mga biktima na si dating Mayor Rose Furigay, isang Ateneo campus security guard, at isang hindi pa nakikilalang lalaki na maaring personal security ng alkalde.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng pulisya ang hinihinalang suspek sa pamamaril.

Napaulat na nangyari ang pamamaril sa harap ng Arete building.

Bunsod nito, inanunsiyo ng pamunuan ng ADMU na kanselado muna ang nakatakda sanang 2022 Commencement Exercises ng Ateneo Law School sa nasabing petsa.

“Ateneo is continuing to work with the police and other authorities to deal with the incident,” saad pa nito.

Read more...