Quezon at Kidapawan, nilindol

Niyanig ng 4.2 magnitude na lindol ang Panukalan, Quezon kaninang 2:15 ng hapon, July 23.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na isang kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa Polilio, Quezon habang Instrumental Intensity I naman ang naitala sa Infanta, Quezon.

Samantala, niyanig din ng magnitude 3.0 na lindol ang Padada, Davao del Sur kaninang 10;36 ng umaga.

Tectonic ang origin ng lindol na may 9 na kilometro ang lalim.

Ayon sa Phivolcs, naramdaman ang Intensity I sa Kidapawan City.

Wala namang naiulat na nasirang ari-arian sa lindol.

Read more...