Ito ang ibinahagi ni Usec. Kristine Evangelista kasabay ng mga ginagawang hakbang ng gobyerno para makatugon sa nagbabadyang krisis sa pagkain.
Binanggit ni Evangelista na sa ilalim ng RTL, hindi maaring mag-angkat ang NFA.
Umiral ang naturang batas noong 2019 at layon nitong mapababa ang halaga ng bigas at mapabilis ang modernisasyon ng sektor ng agrikultura.
Nakasaad din sa batas na ang tanging bibilhin ng NFA ay ang produksyon ng mga lokal na magsasaka at tiyakin na may sapat na bigas sa bansa na aabot ng hanggang 30 araw.
Sa ngayon, ang DA ay pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.