DND chief: Chinese vessels, nakatambay sa West Philippine Sea

Inquirer file photo

Ilang Chinese militia vessels ang nakitang nasa pinag-aagawang bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Ito ang ibinahagi ni Defense officer-in-charge Jose Faustino Jr.

Aniya, matagal na ang mga barko ng China sa nabanggit na bahagi ng WPS bagamat hindi niya batid ang eksaktong bilang ng mga ito.

Kabilang din sa mga namataan, dagdag pa ni Faustino Jr., ay Chinese Coast Guard vessels.

Sinabi pa ng opisyal na nakipag-ugnayan na sila sa National Task Force on West Philippine Sea para sa gagawin nilang mga hakbang hinggil sa panghihimasok sa teritoryo ng Pilipinas.

Dagdag pa niya, wala pa ring utos si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. hinggil sa presensiya ng Chinese vessels sa loob ng teritoryo ng bansa.

Read more...