Lalakeng bagong laya sa kulungan, napatay sa engkwentro

 

Patay sa kamay ng mga pulis ang isang lalakeng bagong laya lamang sa kulungan matapos umano itong makipagbarilan sa mga otoridad sa Novaliches, Quezon City.

Kinilala ni Chief Supt. Edgardo Tinio, hepe ng Quezon City Police District ang nasawing suspek na si Lindon de Jesus, ng Sitio Kawayan, Interville 3, Barangay San agustin, QC.

Sa ulat, lalapitan lamang sana ng mga pulis-Novaliches ang suspek at isa pang kaibigan upang kwestyunin sa kahina-hinalang kilos ng mga ito sa Ambrosia St., TS Cruz Subdivison, nang paputukan sila ng suspek.

Dahil dito, agad na gumanti ng putok ang mga otoridad at tinamaan sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang suspek.

Napag-alaman sa kaanak ng napatay na kalalaya lamang nito mula sa Valenzuela City Jail bagamat hindi pa tukoy kung ano ang dahilan ng pagkakakulong nito.

Read more...