Duterte Cabinet, ipakikilala ngayong araw

 

INQUIRER PHOTO/LYN RILLON
INQUIRER PHOTO/LYN RILLON

Inaasahang pormal nang ipakilala ni President-elect Rodrigo Duterte ang mga magiging miyembro ng kanyang Gabinete ngayong araw, Martes.

Bagama’t hindi pa kumpleto, inaasahang haharap sa mga mamamahayag ang karamihan sa mga personalidad na mabibigyan ng posisyon sa ilalim ng susunod na administrasyon dakong alas 4:00 ng hapon sa Davao City.

Inaasahang kabilang sa mga ipapakilala ni Duterte ay ang mga nauna na nitong inanunsyo na magiging bahagi ng kanyang administrasyon.

Kabilang dito sina dating budget secretary Benjamin Diokno na ilalagay sa Department of Budget and Management, dating national treasurer Leonor Briones, na ipupuwesto sa Department of Education.

Sina Atty. Vitaliano Aguirre na sinasabing ilalagay sa Department of Justice at Atty. Sal Panelo na magsisilbing Press Secretary at iba pang personalidad.

Matatandaang sinabi ni Duterte na may ilang posisyon din siyang iniaalok para sa mga miyembro ng Communist Party of the Philippines o CPP at sa ilan pa niyang malalapit na kaibigan at pinagkakatiwalaang personalidad.

Sa ngayon, nasa mahigit 40 mga Cabinet posisyon ang kinakailangang punan ng susunod na Duterte administration.

Read more...