Sinabi ni Angara na nais din niyang malaman ang detalye ng plano ni Pangulong Marcos Jr. na makipagtulungan sa pribadong sektor.
“Ito po ang unang SONA ni Pangulong Bongbong Marcos at marami ang natuwa sa kanyang inaugural speech nung sinabi niyang gusto niyang makitang maging partner ng pribadong sektor ang gobyerno,” sabi ng senador.
Dagdag pa niya, “Kaya, maraming naghihintay kung paano niyang maisasakatuparan itong tema o pilosopiya niya at mabigyan ng pag-asa ang ating mga kababayan dito sa darating na anim na taon.”
Pagpupunto nito, matapos ang dalawang taon, unti-unti nang nagbubukas muli ang mga negosyo bagamat marami pa rin ang nanatiling sarado dahil sa labis na pagkalugi.
“Kung paano mapapaganda ang serbisyo ng pamahalaan pagdating sa kalusugan, sa edukasyon, paano makalikha ng trabaho — yan ang gustong marinig ng ating mga kababayan sa darating na SONA ni President BBM,” Angara said.
Aniya sa ngayon, maraming sektor pa rin ng lipunan ang nangangailan ng tulong para sa kanilang pagbangon.