Sen. Bong Revilla may panukala kontra food crisis

PDI PHOTO

Naghain ng panukala si Senator Ramon Revilla Jr., na layong mapaghandaan ang nagbabadyang krisis sa suplay ng pagkain.

Paliwanag ni Revilla Jr., layon ng kanyang panukala na maagapan ang krisis, na una nang ibinabala ng dating pamunuan ng Department of Agriculture (DA) at posibleng mangyari sa pagtatapos ng taong 2022.

Nais ng senador na mabawasan ang insidente ng pagkagutom sa mga Filipino sa mga susunod na taon.

Layon din aniya ng kanyang panukala na matugunan ang kakulangan sa suplay ng pagkain sa pamamagitan nang pagpapalakas ng produksyon.

“Ang global food supply shortage na nakakaapekto sa atin ngayon ay beyond our control dahil ito ay dictated ng global market forces. Pero kung itataas natin ang local production ng agricultural goods, mas magiging self-reliant tayo at mapapanatili ang abot-kayang presyo ng pagkain,” dagdag pa ni Revilla.

Una na ring inihain ni Revilla ang panukalang ‘Pantawid Magsasakang Pilipino Act’ para mabigyan ng ayudang pinansiyal ang mga magsasaka ng palay na magmumula sa kita sa taripa sa pagpapatupad ng Rice Tariffication Law.

Read more...