Sa isang joint deal, kinumpirma ng dalawang telecommunications companies na natuloy na ang mega deal na magsisibling hudyat na mapanatili ang kanilang paghawak sa telecommunications sector.
Naging target ng P69.1 billion peso joint deal na makuha ng PLDT at Globe ang karagdagang 700-megahertz frequency na hawak ng kumpanyang nasa ilalim ng SMC.
Ayon sa PLDT at Globe, sa pamamagitan nito, magagawa nilang maipagpatuloy ang magandang serbisyo sa publiko partikular sa pagpapabilis ng internet sa bansa.
Matatandaang noong nakalipas na mga buwan, tinangka ng SMC na pumasok sa isang joint venture sa Telstra Corp. Limited ng Australia para sa pagbubukas ng panibagong high-speed internet sa bansa ngunit hindi ito natuloy.
Ayon kay Manny Pangilinan, chairman at CEO ng PLDT, sa pamamagitan ng panibagong kasunduan, makakaasa ang mga Pilipino ng mas mabilis na internet service sa bansa sa loob ng anim na buwan.