‘Inside job’ posible sa Bangladesh cyber heist-opisyal

 

Posibleng may ilang mga opisyal ng Bangladesh Bank ang sangkot sa $81-million cyber heist.

Ito ang nilalaman ng ulat ni Mohammed Farashuddin na dating gobernador ng Bank of Bangladesh sa kanyang final report na ipinarating sa Bangladeshi finance minister kaugnay sa kaso.

Gayunman, tumanggi si Farashuddin na isiwalat ang pagkakakilanlan ng mga posibleng sangkot sa multi-milyong dolyar na high-tech robbery.

Ngunit aniya, iba ang nilalaman ng final report kumpara sa naunang ulat kung saan tanging ang Society for Worldwide Interbank Financial Telecommunication o SWIFT network lamang ang kanilang itinuturong may responsibilidad kayat nakalusot ang naturang krimen.

Matatandaang unang pinasok ng mga hackers ang Bangladesh account sa New York Federal Reserve Bank noong February at natangay ang nasa $81-million mula dito.

Maging ang Pilipinas ay nadawit sa naturang cyber heist makaraang madiskubreng dito sa bansa ipinadala ang $81-million upang i-launder o linisin.

Read more...