Pinoy fugitive na suspek sa pagpatay sa kanyang GF, naaresto na

 

Mula sa FBI

Nadakip na ng mga otoridad sa Amerika ang Pilipinong itinuturong sangkot sa pagpatay sa kanyang buntis na girlfriend sa Amerika.

Si Philip Patrick Policarpio ay isa sa mga Top 10 Most Wanted Fugitives ng Federal Bureau of Investigation (FBI) dahil sa pagbaril sa ulo sa kanyang biktimang kasintahan noong April 12.

Ayon sa FBI, naaresto si Policarpio na may mga alyas na ‘Bugsy’ Sinister at ‘Sins’ habang nagtatangka itong pumasok sa border ng San Ysidro District, San Diego mula sa sa Tijuana, Mexico.

Una itong kinasuhan ng murder dahil sa pamamaslang sa girlfriend nitong si Lauren Olguin na mahigit apat na buwang buntis matapos magtalo ang dalawa sa East Hollywood, California.

Ayon sa mga testigo, pinagsusuntok ng suspek ang biktima at tuluyang binaril sa ulo sa harap mismo ng mga bisita.

Itinuturing ng FBI si Policarpio na ‘extremely armed and dangerous’.

May patong na $100,000 sa ulo ang suspek.

Read more...