Japan, South Korea nakaalerto sa posibleng North Korea missile launch

 

AP photo

Inalerto ng bansang Japan ang kanilang military force sa gitna ng mga impormasyong nakatakdang magpalipad ng ballistic missile ang bansang North Korea anumang oras.

Ito’y matapos makatanggap ng intelligence report ang Japan at maging ang South Korea na nagsasagawa na ng launch preparations ang North Korea.

Ayon sa Japan state broadcasting agency NHK, ipinag-utos na ng militar sa kanilang naval destroyers at mga Patriot anti-ballistic missile batteries na maging alerto at harangin ang anumang projectile na posibleng pumasok sa teritoryo ng kanilang bansa.

Ang Japan ay may mga advanced Aegis destroyers sa Sea of Japan na may mga SM-3 missiles na maaring mag-intercept ng mga warheads na manggagaling sa kalawakan.

Samantala, nakakalat naman sa paligid ng Tokyo ang mga Patriot PAC-3 missile batteries bilang second line of defense.

Tumaas ang tensyon sa rehiyon makaraang maglunsad ng nuclear test ang North Korea noong January na sinundan ng satellite at test launch ng iba’t-ibang uri ng mga missile.

Read more...