‘Do or Die’ sa game 7 ng Warriors at Thunder

 

Mula sa inquirer.net

Makaraan ang 73 panalo at ang game 6 comeback, magtatapos ang paghaharap ng Golden State Warriors at Oklahoma City Thunder sa Game 7 sa NBA finals.

Walang magiging saysay ang husay at ipinakita ng Warriors ngayong special season kung hindi nila mauulit ang pagiging kampeon sa pagkakataong ito.

Kailangan nila ng isa pang panalo upang maituring na ika-sampung team na nakapag-rally mula sa 3-1 postseason deficit.

Ayon kay MVP Stephen Curry, inaasahan nilang magiging mahirap ang laban ngayong huling paghaharap na ng dalawa.

Gayunman, tiniyak nilang hindi sila sasablay sa pagkakataong ito.

Ang Golden State Warriors at Oklahoma City Thunder ay magsasagupa mamayang alas 9:00 ng umaga, oras sa Pilipinas.

Read more...