Dagdag-buwis sa mga mayayaman, inaaral ni Sen. Win Gatchalian

SENATE PRIB PHOTO

Pinag-aaralan na ni Senator Sherwin Gatchalian ang posibilidad na pagpapataas o pagdaragdag ng buwis sa mga mayayamang indibiduwal sa bansa.

Ibinahagi ito ni Gatchalian sa Tax Forum sa Senado at aniya, ang isa pang tinitingnan niya ay ang pagbubuwis sa ‘non-essential goods’ o ang mga bagay na hindi naman ikinukunsidera na pangunahing pangangailangan.

Pinuna din nito, ang ‘second-class treatment’ na ibinibigay sa maraming nagbabayad ng buwis sa bansa.

Aniya, tila napapawalang halaga ang kontribusyon nila sa pagtataguyod ng bansa.

“When you ask any honest-to-goodness taxpaying citizen of this country, it is really painful for them to shell out 20 to 30 percent of their hard-earned revenue. It is more painful for them to line-up and pay their taxes. It is also painful for them to be harassed and abused by tax collectors. It is also painful for all of us to hear issues of corruption, issues of misappropriation, and wasted money,” pagpupunto ng senador, na inaasahang bagong mamumuno sa Senate Committee on Ways and Means.

Read more...