Ibinahagi ng Department of Health (DOH) ang karagdagang 910 kaso ng Omicron subvariants na BA.5, BA.4 at BA.2.12.1.
Sinabi ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na sa naturang bilang, 816 ang BA.5, 52 BA.2.12.1 at 42 karagdagang kaso ng BA.4.
Aniya, maliban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ang lahat ng rehiyon sa bansa ay nakapagtala na ng kaso ng BA.5 at sa bagong kaso, 12 ang returning Filipino.
Sa tinamaan din ng BA.5, 686 ang gumaling, 78 ang nananatiling under isolation, samantalang inaalam pa ang kondisyon ng 52.
Nabatid na 560 sa kanila ang fully vaccinated, samantalang inaalam pa kung bakunado din o hindi ang 256 iba pa.
Sa 52 tinamaan naman ng BA.2.12.1, 26 ang fully vaccinated, 49 ang nakarekober na.
Samantala, ang 42 karagdagang kaso ng BA.4, 36 ang gumaling na, lima ang nananatiling naka-isolate at ang iba ay inaalam pa rin ang kondisyon.