39 patay sa operasyon kontra Maute Group sa Lanao

 

Inquirer file photo

39 na ang namatay, 2 dito mga sundalo at 37 mga rebelde sa pagpapatuloy ng operasyon ng militar laban sa Maute terror group sa Lanao del Sur.

Ayon kay Col. Roseller Murillo, commander ng 103rd Infantry Brigade ng Army, nagsimula ang kanilang operasyon noong May 24 matapos makatanggap ng impormasyon na nag-regroup ang Maute terror group sa bayan ng Butig.

Dahil dito, apektado ang umaabot sa 1,200 na mga residente ng Butig na lumikas patungo sa mga bayan ng Masiu at Lumbayanague at Marawi City sa kasagsagan ng bakbakan.

Samantala, nagpapatuloy umano ang pursuit operation ng militar sa grupo habang rumensponde na ang mga emergency teams ng lokal na pamahalaan para matulungan ang lahat ng mga apektadong residente.

Read more...