Pangulong Marcos target bumili ng mga imported na abono

 

Itinutulak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong”Marcos Jr. ang pagbili ng mga fertilizer o abono sa pamamagitan ng government-to-government deal.

Si Pangulong Marcos ang tumatayong kalihim ng Department of Agriculture.

Paliwanag ng Pangulo, makabibili ng murang abono ang Pilipinas kung idadaan sa G2G deal.

“Gusto tayong tulungan, gusto tayong lapitan, eh ‘di take advantage naman tayo, ‘di ba. Sige bigyan niyo kami ng fertilizer na medyo maganda-ganda ang presyo. That’s the whole point of G2G,” pahayag ng Pangulo sa pakikipag-pulong sag a opisyal ng DA sa Quezon City.

Katunayan, nakikipag-ugnayan na ang Pangulo sa China, Indonesia, United Arab Emirates, Malaysia, at Russia para sa pagbili ng mga abono.

“I’m thinking would it be useful for us if sulatan ko silang lahat… and I’ll say that we are in the market to buy this volume of fertilizer,” pahayag ng Pangulo.

Hiningi ng Pangulo sa mga opisyal ng DA ang data sa source at presyo ng mga abono pati na ang distribution plan tuwing panahon ng pagtatanim.

Isa sa mga tinutukan ngayon ng Pangulo ang pagpapataas ng produksyon ng bigas.

 

Read more...