Kinapapanabikan na ni Senator Robin Padilla na marinig ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr.
Ayon kay Padilla gusto na niyang marinig ang mga ilalatag na plano ni Pangulong Marcos Jr., ukol sa agrikultura, enerhiya at trabaho.
Ilan din sa mga gusto niyang marinig ay ang mga plano ukol sa mga naiwan na proyekto at programa ng administrasyong-Duterte, partikular na ang ‘Build, Build, Build’ program.
“Agriculture, kailangan na natin mag-produce ng sariling pagkain. Trabaho. At higit sa lahat ang sa Saligang Batas,” sabi pa ng baguhang senador, na inaasahang pamumunuan ang Committee on Constitutional Amendments sa 19th Congress.
Aniya gusto din niyang marinig ang plano ng bagong administrasyon sa enerhiya, kasama na ang nuclear energy at ikinatuwiran niya na may mga lugar sa bansa ang nakakaranas pa rin ng pagkawala ng kuryente.