Pangulong Marcos, binati ang Philippine Women’s National Football Team

Screengrab from President Bongbong Marcos’ FB account

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagkakapanalo ng Pilipinas bilang champion sa AFF Women’s Championship 2022.

Ayon sa Pangulo, nakahahanga ang pagkakapanalo ng Pilipinas na aniya’y isang “historical victory”.

Pinataob ng Pililinas ang Thailand sa iskor na 3-0.

Ginanap ang laban sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila, Linggo ng gabi (Hulyo 17).

Ito ang unang pagkakataon na nakasungkit ang Pilipinas ng kampeonato sa naturang kompetisyon.

Read more...