COVID-19 positivity rate sa NCR, bumaba

Reuters photo

Bumababa na ang COVID-19 positivity rate sa National Capital region.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, nasa 28 percent na lamang ang positivity rate, mas mababa kumpara sa 41 percent na naitala noong mga nakaraang linggo.

Pero babala ni Guido, maaring tumaas muli ang positivity rate sa susunod na pitong araw kung ang pagbabasehan ay ang kasaukuyang trend na nadadagdagan ang bilang ng mga nagpo-positibo sa naturang virus.

Nabatid na ang Metro Manila ay nakapagtala ng 801 na kaso ng COVID-19 kada araw mula July 9 hanggang 15, mas mataas kumpara sa 624 na naitatala kada araw noong July 2 hanggang 8.

 

Read more...