DOTr inatasan ni Pangulong Marcos na makipag-negosasyong muli sa China para sa tatlong railway projects

Photo credit: BBM Media Bureau

Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Transporation na muling makipag-negosasyon sa China para pondohan ang tatlong malalaking railway projects.

Utos ito ni Pangulong Marcos matapos ihayag ni Transportation Undersecretary for Railways Cesar Chavez na hindi umurong na ang China sa loan agreements para sa Subic-Clark Railway Project; Philippine National Railways (PNR) South Long-Haul Project at Davao-Digos segment ng Mindanao Railway Project (MRP).

Ayon kay Press Secretary Trixie Angeles, nais ng Pangulo na magkaroon ng mas maraming investment sa rail transport.

Sa pahayag ni Chavez, sinabi nitong popondohan sana ng China’s  official development assistance (ODA) ang loan agreement pero hindi na ito natuloy.

“There was a policy discussion on three China ODA Rail Projects in last Tuesday’s Cabinet Meeting during which the President commented that as a matter of policy, we should encourage more investments in rail and that we should focus more on rail transport,” pahayag ni Chavez.

Ayon kay Chavez, isa sa mga ikinukunsidera ngayon para matuloy ang tatlong railway projects ay idaan sa pribadong sektor lalo’t patungo naman ang administrasyong Marcos sa public-private-partnerships (PPP).

Matatandaang humihingi ang China ng tatlong porsyentong interes sa uutangin ng Pilipinas.

Nasa P142 bilyong pondo ang para sa PNP Bicol project habang nasa P83 bilyon ang nakalaan para sa Tagum-Davao-Digos na Mindanao Railway Project at P51 bilyon naman ang para sa Subic-Clark Railway project.

 

 

Read more...