P37.68 milyong halaga ng agrikultura, nasira sa pagbaha sa Ifugao at Mindanao

Umabot na sa P37.68 milyong halaga ng agrikultura ang nasira dahil sa pagbaha sa Ifugao, Sultan Kudarat, Sarangani at Zamboanga del Sur.

Ayon sa Department of Agriculture, nasa 1,559 magsasaka ang naapektuhan ng pagbaha.

Nasa 822 metric tons ng produktong agrikultura at 1,770 ektaryang lupang sakahan ang nasira.

Kabilang sa mga nasira ang palay, high value crops, livestock at agri-facility.

Tiniyak naman ng DA na aayudahan ang mga apektadong magsasaka.

 

Read more...