Pumalo na sa 1.2 milyon ang bilang ng mga bagong botante na nagparehistro sa Commission on Elections.
Ayon kay Comelec spokesman Attorney John Rex Laudiangco, base ito sa pinakahuling talaan noong July 14.
Sa naturang bilang, 761,684 ang bagong nagpa-rehistro na edad 15 hanggang 17 anyos.
Nasa 383,836 naman ang mga bagong botante na edad 18 hanggang 30 anyos at 64,368 ang nagpa-rehistro na 31 anyos pataas.
Ayon kay Laudiangco, nasa 202,707 naman ang nag-apply para sa transfer of registration para sa barangay elections habang 2,001 ang nagpa-transfer para sa Sangguniang Kabataan elections.
Nagsimula ang voters registration noong July 4 at matatapos sa July 23.
Gagawin ang Barangay at SK elections sa December 5, 2022.
MOST READ
LATEST STORIES