Nababahala na si Senador Bong Go sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa.
Kaya hirit ni Go, panahon na para paigtingin pa ang ugnayan ng pamahalaan, pribadong sektor at komunidad para malabanan ang pagdami ng kaso ng dengue sa bansa.
Ayon kay Go, chairman ng Senate Committee on Health, 15 sa 17 rehiyon sa bansa ang nakapagtala ng mataas na kaso ng dengue.
“Ako ay talagang nababahala sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng dengue sa karamihan ng mga rehiyon sa buong bansa,” pahayag ni Go.
“Lampas na sa mga number of cases ng mga nakaraang taon ang mga naitalang kaso ng dengue sa ngayon,” dagdag ng senador.
panawagan ni Go, paigtingin ang 4-S strategy laban sa dengue. Una ay ang “Search and Destroy” sa mga pinamumuguaran ng lamok, pangalawa ang “Secure Self Protection” mula sa kagat ng lamok, pangatlo “Seek Early Consultation” kung nakararanas ng senyales at sintomas ngg dengue at pang-apat ang “Say Yes to Fogging.”
“Let us do more in order to unburden further our people who are presently struggling with the COVID-19 pandemic,” pahayag ni Go.
Base sa talaan ng Department of Health, nasa 64,797 kaso ng dengue ang naitala mula January 1 hanggang June 25 sa buong bansa.
Nangangahulugan ito ng 90 percent na pagtaas ng kaso kumpara sa kaprehong buwan noong nakaraang taon.
Nasa 274 katao na ang nasawi ngayong taon dahil sa dengue.