Dalawa sugatan sa nasunog na barko sa Cebu

(Photo courtesy: PCG)

Dalawa ang sugatan matapos masunog ang sinasakyang barko sa karagatang sakop ng Brgy. Punta Engaño, Lapu-Lapu City, Cebu, kaninang 2:00 ng umaga, July 16.

Ayon sa Philippine Coast Guard,  isinugod na sa pinakamalapit na pagamutan ang dalawang crew ng MV Trans Asia 1.

Nakatanggap ng distressed call ang PCG mula sa barko kung kaya agad na nagpadala ng Special Operations Group.

Pitong crew at isang security guard ang sakay ng barko.

Nabatid na nakasadsad na ang barko sa lugar mula nang tumama ang bagyong Odette noong Disyembre 2021.

 

 

Read more...