Alert levels nasa status quo muna

Mananatili ang kasalukuyang umiiral na alert levels sa bansa.

Ayon kay Press Secretary Trixie Angeles, ito ay hanggat wala pang desisyon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na nakatakdang magkaroon ng pagpupulong at review sa Lunes, July 18.

Ibig sabihin, mananatili sa Alert Level 1 ang National Capital Region dahil nagpapatuloy pa ang banta sa COVID-19.

Sa naunang desisyon ng IATF, nasa Alert Level 1 ang NCr hanggang kahapon, July 15.

“The status quo holds for our alert levels, which the IATF will be reviewing on Monday (July 18),” pahayag ni Angeles.

Read more...