Mahigit 21,000 na pulis ang itatalaga para sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa July 25.
Ayon sa National Capital Region Police Office, dinagdagan ng kanilang hanay ang bilang ng mga pulis para masiguro na magiging maayos ang unang SONA ng Pangulo.
Una nang sinabi ng NCRPO na nasa 15,000 na pulis lamang ang itatalaga sa SONA.
Makatutuwaang ngg mga pulis sa pagpapanatili sa seguridad ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines, Metro Manila Development Authority, Philippine Coast Guard, Bureau of Jail Management and Peology, local government units, force multipliers at iba pa.
Magpapatupad din ang PNP ng gun ban sa Metro Manila simula sa July 22 hanggang 27.
MOST READ
LATEST STORIES